9-5 ng Korte Suprema: Tanggap mo ba?

Marami ang labis na nalungkot sa pagboto ng 9-5 ng Korte Supremang payagang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating pangulong Ferdinand Marcos. Nasaktan ang mga biktima ng martial law na nakaranas ng pagpapahirap at halos kamatayang pananakit nang walang dahilan. Hindi man ito alam ng mga hindi nabuhay nang panahon ng Martial Law, yung mga tinatawag na millennials o yung mga nasa edad 20-30 pababa na hindi inabot ang madilim na panahong iyon, ngunit hindi dahilan ang pagiging pagkaalyado ng pangulong duterte sa pamilyang Marcos upang hayaan ang hayagan at walang kahihiyang pagyurak at pagbabago ng kasaysayan para lamang iangat ang pangalan ng pamilya Marcos. Ang totoo, wala nagawang mabuti sa bayan ang pamilya Marcos.

image

Mahigit dalawang dekada nagpakasasa sa kapangyarihan ang pamilya Marcos. Tila ba itinalaga nila ang kanilang mga sarili bilang mga natatanging dugong bughaw sa gitna ng dagat na pula, matingkad na kulay ng dugong itinapon mula sa mga buhay na kanilang kinitil para lamang manatili sa palasyo Malacanang. Libo libo, daang libo ang mga ipinapatay ni Marcos nung sya ay pangulo. Mga studyante, manggagawa, tiga pamahalaan maging mga pulis at mga pulitiko, lahat ng mga pinatay ni Marcos ay para lang sa makasariling mga hangarin; ang kasakiman sa salapi at kapangyarihan. Hanggang may nabubuhay sa aming mga “martial law babies (mga ipinanganak at lumaking walang nakilalang ibang pangulo kundi si marcos)”, umasa kayong patuloy naming haharangin at ilalagay sa tama ang mga kasinungalingan ng mga Marcos.

Katwiran ng Korte Suprema 9-5 na bumotong payagang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay kapareho ng dahilan ng pangulong duterte; na dating pangulo si marcos at may karapatan syang malibing sa LNMB. Totoo yan, at hindi lang mga dating pangulo ang nakalibing sa LNMB, gayun na rin ang mga nahirang na National Artists, National Scientists, at maging ang mga asawa ng mga dating pangulo.

Ang kagalang-galang na si Justice Antonio Carpio ay nagbigay ng isang malinaw at maliwanag na opinyon at dahilan kung bakit hindi maaring ilibing ang datin pangulong marcos sa Libingan.

Ayon kay Justice Carpio, mayron tayong batas na Republic Act 10368 o yung Human Rights Victims Reparations and Recognition Act of 2013. Ang sabi dito ay:

Section 3. Declaration of Policy. Consistent with Sections 2 and 11 of Article II, and Section 12 of Article III of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, and adhering to international human rights law and conventions, it is the declared policy of the State to:

a) Recognize the heroism and sacrifices of all Filipinos who were victims of summary execution, torture, enforced or involuntary disappearance and other gross human rights violations committed during the regime of former President Ferdinand E. Marcos covering the period from September 21, 1972 to February 25, 1986 and restore the victims’ honor and dignity;

b) Acknowledge its moral and legal obligation to recognize and/or provide reparation to the said victims and/or their families for the deaths, injuries, sufferings, deprivations and damages they suffered under the Marcos regime;

c) Acknowledge the sufferings and damages inflicted upon persons whose properties or businesses were forcibly taken over, sequestered or used, or those whose professions were damaged and/or impaired, or those whose freedom of movement was restricted, and/or such other victims of the violations of the Bill of Rights.

Ano ibig sabihin nito? Layon ng batas na ito na mabigyan ng maliwanag na pagkilala at posibleng kabayarang pinansyal para sa mga naging biktima ng karahasan at pagpatay, sampu ng kanilang mga naulila, NUNG PANAHON NG REHIMENG MARCOS. Maliwanag na maliwanag na ang batas na ito ay nagtuturing na ang dating pangulong Marcos ay isang BERDUGO na pumatay ng mga taong walang pagkakasala sa bayan kundi ang magsalita LABAN sa kanyang pangungurakot, pagnanakaw, pandarambong. Maaring dating pangulo sya ngunit maliwanag sa batas na ito kung ano ang tingin ng ating Saligang Batas sa mga marcos. Sila ay SALOT sa bansang Pilipinas, makasarili at walang ginawa kundi magpayaman gamit ang kaban ng bayan. Ang sinumang magreklamo nung panahong iyon ay pinapapatay at pinapa torture ni Marcos. Ganun lang kasimple.

Pagbali baligtarin man nina Brion, Velasco, Peralta, Bersamin, Del Castillo, Perez, De Castro, Mendoza at Bernabe ang batas, hindi magbabago ang katotohanang MANDARAMBONG AT MAMAMATAY-TAO ang dating pangulong marcos. Nabayaran ba sila? Siguro, hindi natin alam. Ang alam ko, sila sila rin yung mga huradong nagdesisyon mapawalang-sala si Gloria Arroyo sa mga kaso nya ng pandarambong nung sya naman ang naging pangulo.

Tunay na naghihingalo na ang Demokrasya at Kalayaan sa Pilipinas.

Tingin mo, ano ang dapat nating gawin?

One Comment

  1. Sha says:

    If ONLY pduts is a true leader, it is the JUSTICE SYSTEM that he and his government should FIX first rather than the drug problem.

Leave a Comment